12 tiklo sa shabu tiangge
MANILA, Philippines - Umaabot sa 12-katao kabilang ang limang notoryus na drug pusher ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang raid sa shabu tiangge sa Sitio Omboy, Barangay San Antonio sa bayan ng Biñan, Laguna kahapon ng umaga. Ayon kay Calabarzon PNP director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. sinalakay ng mga tauhan ng Laguna Special Task Force at Laguna Public Safety Company ang 12 kabahayan sa nabanggit na sitio base sa inisyung search warrant ni Judge Divinagracia Bustos-Ongkeko ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 91 sa Laguna. Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina Jojie Villanueva, Joel Marfil, Arnold Almendras, Luisito Pena, Conrado Pena, Eric Ortega, Antonio Javier, Nelson Purio, Josephine Aniaberas, Wallace Rivers, JP Aldea at si BJ Bondoc. Nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang uri ng drug paraphernalia, mga plastic sachets ng shabu, tatlong patalim at dalawang improvised shotgun.
- Latest
- Trending