Misis ni-rape, sinilaban

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang isang misis  na hinalay saka sinilaban sa loob ng kanyang tahanan  sa Barangay 5, sa bayan ng Calauag, Quezon kamakalawa. Patuloy  na inaagaw kay kamatayan sa St. Peter General Hospital ang biktimang itinago sa pangalang Sophia. Batay sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-7 ng gabi habang papasok na sa kaniyang tahanan si Sophia  nang sunggaban at tutukan ng patalim ng suspek. Agad na kinaladkad ng suspek ang biktima sa loob ng bahay kung saan iginapos ang kamay nito saka tatlong beses na hinalay. Nabatid pa na pinukpok ng matigas na bagay ng suspek ang biktima kung saan nagising na lamang habang nilalamon ng apoy ang kaniyang tahanan. Pansamantala munang hindi tinukoy ang pangalan ng suspek habang patuloy ang dragnet operation.

Show comments