CLARK FREEPORT, Philippines – Dinagsa ang peace summit sa Angeles City, Pampanga kung saan naging pangunahing tagapagsalita si Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. na dinaluhan ng mga gobernador at alkalde mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Bukod sa mga alkalde, opisyal ng PNP, Phil.A rmy at business organizations, kabilang din sa mga dumalo sa peace summit na ginanap sa Holiday Inn ay sina Tarlac Gov. Victor Yap, Bataan Gov. Enrique Garcia, Aurora Gov. Bellaflor Angara-Castillo, Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali, Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado at si Pampanga Gov. Lilia Pineda.
Sumuporta rin sa peace summit sina Oriental Mindoro Gov. Alfonso Umali Jr. na pangulo ng Liga ng mga Probinsya sa Pilipinas (LPP), at Occidental Mindoro Gov. Josephine Sato, LPP secretary-general.
Si Ebdane na naging National Defense chief at DPWH Secretary bago manalong Zambales governor ay nag-guest speaker sa Regional Peace and Order Summit kaugnay sa gagampanang papel ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
“Ang pinakamahusay na paraan upang tugunan ang krisis ay ang pag-iwas na ito ay ganap na mangyari,” isa sa payo ni Ebdane sa mga kalahok ng regional peace summit
“You should first determine if there’s a threat (that could become a full-blown crisis). Next, you look for the threat, then you destroy the threat,” paliwanag ni Ebdane.