Mister ginulpi ng lover ni misis

LA TRINIDAD, Benguet ,Philippines – Gulpi-sarado ang inabot ng mister sa lover ang kanyang misis na maaktuhan niyang nakikipagtalik bago pag-Valentine’s Day sa Barangay Wangal sa La Trinidad, Benguet. Pormal na naghain ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang pinendehong 28-anyos na mister laban sa magkalaguyo. Lumilitaw na dalawang araw nang nawawala ang misis ng biktima nang makatanggap ito ng impormasyon na nasa bahay ng lover sa nabanggit na barangay. Dito na pinuntahan ng mister ang bahay ng lover na 26-anyos na construction worker kung saan naaktuhang nakikipagtalik ang kanyang misis. Dahil sa pagkakadiskubre sa illicit affair ng mag-lover ay pinagtulungang gulpihin ang biktima ng lover at utol nito habang nakamasid lang ang kanyang misis.

Show comments