Army personnel itinumba

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pagiging Army personnel ng isang sundalo makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Fausto Tamsa Road sa Barangay Poblacion 2, Cotabato City, Maguindanao kamakalawa. Bandang alas-3 ng hapon nang tambangan at mapatay si Pfc. Rey Ferrer, 32, ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon sa imbestigasyon, lulan ng  trisikad ang biktima sa harapan ng Lauban Restaurant nang harangin at ratratin. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

Show comments