^

Probinsiya

1 dedo, 14 sugatan sa bangin

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Philippines – Nabahiran ng dugo ang masayang pamamasyal ng mga bakasyunistang mula sa Maynila makaraang mahulog sa bangin ang van na kanilang sinasakyan na ikinasawi ng isa habang 14 iba pa ang sugatan sa Barangay Bogtong sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang namatay na si Norberto Santillas 54, habang sugatan at naisugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sina Errol Santillas, Maricar Montenegro, Chona Montenegro, Anne Joy Lorenzo, Suzie Suratos, Jeck Suratos, Elizabeth Abion, Edan Portento, James Sencioco, Catherine Godallo, James Paul Sencioco, Mark Santillas, Edna Lorenzo, at ang drayber ng van na si Jessie Sabiga.

Base sa police report, sinundo ang mga biktima sa airport para mamasyal at nag-sight seeing sa Lig­non Hill.

Habang pababa ang GT Express van (EVV-627) ni Sabiga ay nawalan ito ng preno kaya bumulusok sa bangin.

Masuwerte naman su­mabit sa mga punungkahoy ang van bago lumagapak kung saan namatay si Norberto na naipit sa loob ng van.

Pinagtulungan naman naiahon ang mga biktima matapos rumesponde ang mga tauhan ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office sa pamumuno ni Cedric Daep.

ALBAY PROVINCIAL SAFETY AND EMERGENCY MANAGEMENT OFFICE

ANNE JOY LORENZO

BARANGAY BOGTONG

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

CATHERINE GODALLO

CEDRIC DAEP

CHONA MONTENEGRO

EDAN PORTENTO

EDNA LORENZO

ELIZABETH ABION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with