^

Probinsiya

Hepe utas sa biking caravan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines  — Nabahiran ng trahedya ang inilunsad na Padyak para sa Kapayapaan, ang peace caravan ng Philippine National Police matapos na mamatay sa cardiac arrest ang hepe ng Pangil, Laguna na kabilang sa mga biker sa Calabarzon na lumahok sa okasyon kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si P/Senior Inspector Argel Guanezo na idineklarang patay sa isang ospital sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

 Ang Padyak para sa Kapayapaan na 35-kilo­meter biking caravan ay proyekto ng PNP  na naglalayong tuldukan na ang mahigit 4-dekadang  communist insurgency na pinangunahan nina PNP Chief Raul Bacalzo at Calabarzon PNP director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr.

Dumalo rin sa opening ng caravan sina Vice President Jejomar Binay at Press Secretary Herminio Coloma.

Ayon sa mga opisyal ng PNP, bandang alas- 6:30 ng umaga nang magsimula ang biking caravan matapos ang seremonya sa tanggapan ng Police Regional Office IV A sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna kung saan naging key points ang iba’t-ibang lugar sa Calabarzon.

Nabatid na naunahan pa ni Guanezo ang ibang mga biker sa hangganan ng Sto. Tomas, Batangas,  Cavite at Laguna dakong alas-7:45 ng umaga.

Gayunman ilang saglit pa ay biglang nanikip ang paghinga nito at nabigong maisalba ang buhay.

ANG PADYAK

BATANGAS

CALABARZON

CAMP VICENTE LIM

CHIEF RAUL BACALZO

CHIEF SUPT

KAPAYAPAAN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with