^

Probinsiya

Manpower agency kinondena ng 500 promoter

-

MANILA, Philippines - Dismayado at kinondena ng may 500 dating promoter ng lokal na manpower agency kaugnay sa unfair labor practices kabilang ang 'di pagbibigay ng tamang sahod at kaukulang benebisyo. 

Base sa sinumpaang salaysay ng mga promoter laban sa lokal na manpower agency na Temps & Staffers, Inc., kinakailangan nilang pumirma sa cessation of employment forms bago makuha ang kanilang pinahuling sala­ry, 13th month pay, cash bond at iba pang benepisyo.

Nagsimula ang isyu nang matapos ang kontrata ng TSI sa multinational electronics company noong Hunyo 30, 2010 kung saan naapektuhan ang mga promoter.

Gayunman, walang nagawa ang mga promoter kundi pumirma sa kasunduan na bawal lumipat sa ibang manpower agency subalit sa polisiyang no-work no-pay ng TSI ay minabuti ng mga promoter na balewalain ang nakasaad sa nabanggit na forms.

Inatasan naman ng TSI ang mga promoter na naapektuhan na maghintay ng panibagong proyekto para maibigay ang kaukulang benepisyo subalit walang kasiguruhan sa mga apektado.

Kasunod nito, aabot sa 13 promoters naman ang nagsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission sa hindi pagbabayad ng ika-13 sahod at cash bond ng TSI matapos hindi pumirma sa cessation of employment form kung saan ang resolusyon ng kaso ay nakabinbin pa rin sa NLRC.

DISMAYADO

GAYUNMAN

HUNYO

INATASAN

KASUNOD

NAGSIMULA

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

PROMOTER

TSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with