85 katao nalason sa palabok

BULACAN, Philippines – Aabot sa walumput lima-katao ang nalason sa kinaing pancit palabok sa birthday party sa Barangay Saog sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga. Kabilang sa isinugod sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City ay sina Jolley-ann Lozada, 18; Jennifer Lozada,17; Jeffrel Lozada, 13; Jesus Bule, 35; Maria Bule, 34; Michelle Bule, 10; Flordeliza Roloda, 47; si Rizaldy Roloda, 10, pawang nakatira sa Ramcar Subd. sa nabanggit na barangay. Ayon sa amang birthday cele­brant na si Lorenzo Lozada, nabili niya ang mga sahog ng palabok sa Marilao Public Market sa Brgy.Tabing-Ilog. Nabatid na tahong at pusit ang isinahog sa palabok na sinasabing kontaminado kaya nalason ang mga biktima. Kumuha na ng sample ng palabok ang mga tauhan ni Dr.Jocelyn Gomez para isailalim sa pagsusuri.

Show comments