^

Probinsiya

3 akyat-bahay gulpi-sarado

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines — Tatlo sa anim na miyembro ng Akyat-bahay Gang na naaktuhang nagnanakaw sa loob ng bahay sa isang subdivision ang gulpi-sarado sa taumbayan kamakalawa ng hapon sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Cainta, Rizal. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Rhandy Marcellano, 29; Bill Sevilla, 32; at si Jessie Malicdim, 30, pawang nakatira ng Pasig City. Nakatakas naman ang tatlo pang suspek, na ang isa ay nakilalang si James Ryan. Base sa police report, pinasok ng mga suspek ang isa sa bahay sa Village East Executive Subd. nang mamataan kaya naipagbigay-alam sa mga security guard. Nang rumes­ponde ang mga sekyu ay nagpulasan ang mga suspek, ngunit tatlo sa kanila ang minalas na makorner at ginulpi ng mga residente.

vuukle comment

AKYAT

BARANGAY STO

BILL SEVILLA

CAINTA

DOMINGO

JAMES RYAN

JESSIE MALICDIM

PASIG CITY

RHANDY MARCELLANO

VILLAGE EAST EXECUTIVE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with