^

Probinsiya

Kumander ng MILF itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang kumander ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front matapos maghiganti ang grupo ng Civilian Volunteers Organization sa naganap na madugong karahasan sa coconut plantation sa Barangay Langgapanan sa bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Kinilala, ang napaslang na field commander ng 108th Bangsa Islamic Armed Forces na si Ustadz Aliman Ungkia, 46. Tinukoy naman ni Army’s Infantry Division spokesman Lt. Col Prudencio Asto ang grupong responsable sa pagpatay kay Ungkia na grupo ni Suren Kanakan. Nabatid na itinaboy  ng grupo ni Ungkia ang grupo ni Kanakan sa pinag-aagawang lupain. Galit na lumisan si Kanakan kasama ang walong iba pa pero bumalik at niratrat si Ungkia. Dito na sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng grupo nina Kanakan at Ungkia.

BANGSA ISLAMIC ARMED FORCES

BARANGAY LANGGAPANAN

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

COL PRUDENCIO ASTO

INFANTRY DIVISION

KANAKAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SUREN KANAKAN

UNGKIA

USTADZ ALIMAN UNGKIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with