P15-M palengke naabo

ZAMBALES, Philippines – Umaabot sa P15 milyong halaga ng ari-arian ang naabo habang nasawi naman ang isang 19-anyos matapos masunog ang palengke sa bayan ng Iba, Zambales kahapon ng umaga. Sa ulat ni Iba Fire Chief Virgilio Josafat, lumilitaw na bago magsimulang kumalat ang apoy ay pumutok ang kable ng kuryente sa tolda na kinalalagyan ng mga damit na paninda. Kinilala ang nasawi na si Danilo Labungray, 19, ng Barangay Bulawen, Palauig; habang sugatan naman si Hymin Daud. Si Labungray ay nakuryente habang nagaganap ang sunog. Pansamantalang inilipat ang palengke sa lupain pag-aari ni Engr. Rolando Huang.

Show comments