Sayyaf kidnaper nadakma

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya at militar ang notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf na wanted sa kasong kidnapping sa isinagawang operasyon noong Miyerkules ng umaga sa Zamboanga City.

Kinilala ni Army’s regional spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang ang suspek na si Abu Walid na nasakote ng AFP at PNP intelligence units sa kahabaan ng Villalobos Street.

Dinakip ang suspek sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu nina Judge Leo Jay Principe ng 9th Judicial Regional Trial Court Branch 1 at Judge Danilo Bucoy ng 9th Judicial Regional Trial Court Branch 2 sa Basilan.

Base sa tala ng pulisya, si Walid ay sangkot sa pagbihag sa mga hotel staff kabilang ang nurse na si Ediborah Yap at mga pasyente sa Dr. Jose Torres Hospital sa Lamitan City, Basilan noong Hunyo 2001.

Show comments