Barangay chairman nilikida
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang isa pang barangay kagawad matapos na ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng mall sa Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo at likurang bahagi ng katawan si Chairman Sukarno Alam habang isinugod naman sa Mindero Hospital si Kagawad Kiram Kaida. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa harapan ng Unicity Mall sa kahabaan ng Jamisola Street, Santiago District bandang ala-1:45 ng hapon. Nabatid na lulan ng Toyota Tamaraw FX (GEC348) ang dalawa at patungo sa People’s Plaza nang makasalubong si kamatayan.
- Latest
- Trending