2 piloto sugatan sa plane crash

MANILA, Philippines - Dalawang pilot student  ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok sa kontretong pader at magliyab ang maliit na eroplano sa paliparan ng Lingayen sa Pangasinan, kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Supt. Rosueto Ricaforte ang dalawa na sina Roven John Mirasol at co-pilot Japhit Chua na kapwa student pilot sa Fast Flying School. Naganap ang insidente dakong ala-10 ng umaga habang pinaandar ng dalawa ang Cessna single-engine plane (RP-C8204) nang sumalpok sa kongretong pader sa Lingayen airport. Bago pa magliyab ang eroplano ay nakalundag ang dalawang nagsasagawa ng training flight. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na nagloko ang makina ng eroplano kaya hindi makalipad at sumalpok sa pader.

Show comments