20 bahay nilamon ng apoy

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Aabot sa mil­yong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang 20 kabahayan sa Looban 6, Bayawas Street sa Barangay Abella, Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang alas-5 ng umaga nang nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Maria Victoria Barrameda bago kumalat sa kalapit bahay.

Wala naman nasawi o nasugatan sa naganap na sunog kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga naapektuhan sa Sta. Cruz Elementary School  na naging evacuation center.

Show comments