^

Probinsiya

Ika-3 suspek sa Ortega slay sumuko

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sumuko na ang ikatlong suspek sa kaso ng pagpatay kay Palawan environmental advocate at media practitioner na si Dr. Gerardo “Gerry” Ortega kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, si Rodolfo “Bomar” Edrad, Jr., ay personal na sumuko kay Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at sa National Bureau of Investigation sa bayan ng Gumaca, Quezon.

Si Edrad ay sinasabing may direktang nalalaman sa mastermind sa pagpatay kay Ortega.

Nagbigay din ng impormasyon si Edrad na mga dating politiko sa Tanauan, Batangas ang nag-utos na patayin si Ortega sa halagang P1 milyon.

Ikinanta pa nito na bukod kay Ortega dalawa pang broadcaster sa Palawan ang isusunod sanang itumba ng grupo.

Base sa record ng pu­lisya naaresto ang dalawang naunang suspek na sina Marlon Dicamata de Chavez at look out na si Dennis Aranas.

AYON

BATANGAS

DENNIS ARANAS

DR. GERARDO

EDRAD

MARLON DICAMATA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORTEGA

PALAWAN

PUERTO PRINCESA MAYOR EDWARD HAGEDORN

SI EDRAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with