P15M Butuan City Hall naabo

MANILA, Philippines –  Umaabot sa P15 milyong halaga ng ari-arian ang na­abo makaraang masunog ang lumang gusali ng Butuan City Hall at iba pang tanggapan sa naganap na sunog sa Barangay Doongan noong Biyernes sa Agusan del Norte. Kabilang sa nasunog ay ang gusali ng Commission on Audit (COA), Manpower Office, Association of Brgy. Captain Office , at ang LTTMO Office. Bahagya  namang nasunog ang Sangguniang Panglunsod Office, City Interior and Local Government Office at ang canteen. Naapula ang apoy bandang alas- 6:45 ng umaga at wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Show comments