^

Probinsiya

6 minasaker ng NPA

Nila - Ed Casulla at Joy Cantos -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Anim-katao kabilang ang mag-amang negosyante ang  iniulat na napaslang habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Villadema, sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa tagapagsalita ng Army’s 9th Infantry Division na si Major Harold Cabunoc, kabilang sa napatay ay ang mag-amang sina Pederico “Pedrito” Bico, 55; at Christian Bico, 28, negosyante sa buy and sell ng copra; driver na si Crispin Gamer, 36, at helper na si Armando Queto; pawang narekober ang bangkay sa loob ng kanilang tahanan.

Ang dalawang rebelde na nakatakbo na sina Teolo Corral, nakuha ang bangkay sa Sitio Sta. Cruz, Zone 7 malapit sa bahay ng pamilya Beco at Fer­nando Lopez na nabaril ng matandang Bico na nagawang makapanlaban sa mga rebelde bago namatay.

Samantalang nasa ospital naman ang tatlong nasugatan kabilang ang nasa kritikal na si Ronilo de Castro na pawang mga kamag-anak ng pamilya Bico.

Naitala ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi habang nanonood ng telebisyon ang mga biktima matapos maghapunan.

Base sa imbestigasyon ay hinihingan ng mga rebelde ng P30,000 revolutionary tax  kada buwan ang negosyanteng si Bico pero hindi ito nagbayad kung saan naibaba sa P20,000 ang extortion demand.

Nabatid na nagmatigas pa rin ang pamilya Bico bunsod upang magalit ang mga rebelde  lalo na ng mabatid na kumuha ito ng bodyguard at nag-armas.

Gayon pa man, tinyempuhan ng mga rebelde ang mga biktima na magkakasama sa bahay saka isinagawa ang pamamaslang kung saan sumigaw pa ng "Mabuhay ang kilusang komunista".

vuukle comment

ARMANDO QUETO

BARANGAY VILLADEMA

BICO

CAMARINES SUR

CHRISTIAN BICO

CRISPIN GAMER

INFANTRY DIVISION

LEGAZPI CITY

MAJOR HAROLD CABUNOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with