Tsinoy trader pinatay na ng kidnapper?

MANILA, Philippines –  Pinangangambahang pinaslang na ng mga kidnapper ang isang negos­yanteng Filipino-Chinese na dinukot sa Cotabato City noong Enero 8 ng taong ito, ayon sa nakalap na impormasyon ng militar kahapon.  

Sa phone interview, si­nabi ni Col. Dorotheo Jose Jalandoni, Commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7, walang proof of life sa biktimang si Eulogio Lim Yu, 56-anyos, hardware owner simula ng dukutin ito ng pinaghihinalaang grupo ng Pentagon kidnap for ransom gang.

“From all indications, he might be dead, there’s no proof of life but still it’s a subject for verification”, ani Jalandoni.

Sinabi ni Jalandoni ang huling balita ay binaril ng mga kidnapper si Yu matapos itong magtangkang tumakas sa pinagkukutaan ng grupo sa kagubatan. Bukod dito ay may sugat rin umano sa ulo si Yu matapos na pukpukin ng baril sa ulo ng manlaban sa kaniyang mga abductors.

Nauna nang humingi ng P30M ransom ang mga kidnappers sa pamilya ni Yu kapalit ng kalayaan nito  na naibaba sa P 2.5 M pero nga­yon ay hindi na kumokontak ang mga kidnapper sa pa­milya ng biktima.

Ang biktima ay huling  na­pabalitang ipinagpali­pat-lipat ng lugar ng mga kidnapper sa Talayan, Maguin­danao at bulubunduking bahagi ng Sultan Kudarat.

Sa kasalukuyan, ang po­kus ng operasyon ng mi­l­i­tar ay hanapin ang sinasabing pinaglibingan kay Yu upang hukayin ang labi nito at ma­bigyan ng disenteng libing ng kaniyang pamilya kung may katotohanan ang nasabing kumakalat na balita.

Show comments