Driver inutas ng kabaro

QUEZON, Philippines  – Napaslang ang isang 49-anyos na driver matapos barilin ng kapwa driver ng pampasaherong dyipni dahil sa pag-aagawan sa pasahero kamakalawa ng gabi sa jeepney terminal sa Barangay Quipot sa bayan ng Tiaong, Quezon. Tatlong tama ng bala sa katawan at isa sa ulo ang tumapos sa buhay ni Romeo Leyesa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Exequel Marasigan ng Barangay Poblacion 2. Ayon kay PO2 Rodel Martin, lumilitaw na pinag-aawayan ng dalawa ang ilang pasaherong pasakay sa kani-kaniyang jeepney. Dito na humantong ang pagtatalo hanggang sa mapatay ang biktima.

Show comments