Nagpatayan dahil sa tong-its

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines  – Napaslang ang isang 31-anyos na lalaki makaraang pagtulu­ngang tagain ng magpinsan na malubha ding nasugatan sa pananaga ng una dahil sa dayaan sa tong-its kamakalawa ng gabi sa Barangay Tiongson sa Ligao City, Albay Kinilala ang napatay na si Rolly Zamora habang naisugod naman sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital ang magpinsang sina Jason Rivera at Domingo Alopera na kapwa nakatira sa Barangay Batbat, Guinobatan. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nagkadayaan sa tong-its kaya nagalit at pinagtataga ni Zamora ang magpinsan subalit nakaganti rin kahit na sugatan ang dalawa na sinasabing pawang mga lango na sa alak.

Show comments