Mag-iina naabo sa sunog

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng mag-iina makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa bayan ng Malalag, Davao del Sur kamakalawa. Ayon kay Davao del Sur Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang tupukin ng apoy ang tahanan na pag-aari ni Lucy Berger  sa Purok 2, Brgy. Bagumbayan, Malalag. Kabilang sa mga namatay ay sina Lorgenita Dadolo, 30; mga anak na Jessa Mae, 8; at Justine, 6. Napag-alamang naiwan sa bahay si Lorgenita at mga anak dahil sila ang caretaker ni Berger. Ayon naman kay FO3 Joey Lape, ang sunog ay sanhi ng electric short circuit. Aabot sa P1.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo kabilang ang multicab na may plakang GMT-632.

Show comments