^

Probinsiya

DJ sa FM radio station kinatay

- Joy Cantos, Artemio Dumlao -

BANGUED, Abra, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ang isang isang guro na part-time disc jockey ng FM radio station matapos tadtarin ng saksak sa tinutuluyang kuwarto sa compound ng nabanggit na radio station sa bayan ng Bangued, Abra kahapon ng umaga.

Nagtamo ng 13-saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Cirilo Alagao Gallardo, 38, guro sa Divine Word College sa Bangued at part-time na disc jockey sa Spirit FM DWGF 95.3.

Napag-alamang si Gallardo ay dating seminarian mula sa SVD-run San Pablo Seminary sa Bagiuo City.

Base sa ulat ni SPO4 Genaro Rosal na isinumite kay P/Senior Supt. Amando Segundo Lagiwid, si Gallardo na namataang buhay noong Sabado ay natagpuang patay ng kanyang pamangking si Joan Berona bandang alas-7 ng umaga sa loob ng FM station’s office sa Barangay Bangbangar.

Si Berona na 3rd year college sa nabanggit na kolehiyo ay bumista sa tiyuhing si Gallardo kaya nadiskubre ang insidente.

Nabatid na niransak din ang tahanan ni Gallardo at kabilang sa mga tinangay ang desktop at laptop computers.

Nagsagawa na ng malawakang dragnet operation ang pulisya laban sa isang lalaki na sinasabing huling namataang kausap ng biktima bago ito matagpuang patay.

vuukle comment

ABRA

AMANDO SEGUNDO LAGIWID

BAGIUO CITY

BANGUED

BARANGAY BANGBANGAR

CIRILO ALAGAO GALLARDO

DIVINE WORD COLLEGE

GALLARDO

GENARO ROSAL

JOAN BERONA

SAN PABLO SEMINARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with