Katiwala sa minahan nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 63-anyos na katiwala sa minahan matapos dukutin ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng gabi sa Sitio Nalisbitan sa Barangay Dumangmang sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Nakilala ang napaslang na si Ruben Balmaceda, caretaker ng El Dore Mining Corp., samantalang hindi naman idi­namay ang kanyang anak na si Alvin Balmaceda, 35. Base sa police report, magkasamang nagpapahinga ang mag-ama sa power house ng minahan nang dumating ang mga rebelde. Iginapos at tinangay ang matandang Balmaceda kung saan natagpuan patay may 100 metro ang layo mula sa minahan.

Show comments