3 inatado sa amok

LA TRINIDAD, Benguet , Philippines  – Tatlo-katao ang pinagtataga ng isang 52-anyos na katutubo na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip sa Barangay Balili sa bayan ng Bontoc, Mt. Province noong Sabado ng gabi. Kinilala ni Mt. Province police director P/Senior Supt. Fortunato Albas, ang isa sa napatay na si Paula Atiwag, 70, habang nakikipaglaban naman kay kamatayan ang mag-ina na sina Imelda Bulalit, 45; at Marlyn Bulalit, 23. Tugis naman ng pulisya, militar at kapwa katutubo ang suspek na si Francis Bulalit.

Show comments