Ex-pulis timbog sa drug bust

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Hindi na nakapalag pa sa mga ahente ng PDEA-Region 3 ang isang dating pulis makaraang masakote ito sa isinagawang drug bust sa isang lugar dito kahapon.

Kinilala ang suspek na si ex-PO1 Arturo Morales Jr., 30, nakatalaga sa Camp Alejo Santos sa Malolos City at residente ng Brgy.Lumang Bayan, Plaridel.

Ayon sa ulat dakong alas-3:30 ng hapon ay nagsagawa ng pagmamanman ang mga ahente ng PDEA dahil sa umanoy iligal na aktibidades ng suspek sa naturang lugar at ng makumpirma ito ay agad na nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Narekober kay PO1 Morales ang ilang gramo ng shabu at P1000 pisong marked money habang positibo naman siya sa isinagawang drug test na isinagawa sa punong tanggapan ng naturang ahensya.

Show comments