11 kawani ng DENR sa Quezon sinibak
LUCENA CITY, Philippines — Sinibak sa puwesto ang labing-isang kawani ng DENR sa lalawigan ng Quezon kabilang dito ang isa sa mataas na pinuno ng ahensya dahilan sa umanoy corruption at pagkabigong mapahinto ang pagdagsa ng mga illegal logging sa coastline ng lalawigan.
Batay sa inisyung dokumento ni DENR CALABARZON Regional Director Nilo Tamoria, kabilang sa sinibak sa puwesto si Celedonio Dapla, CENRO ng Pagbilao, Quezon na siyang nakasasakop sa Mauban Station kung saan dito malimit na pagbagsakan ng mga illegal hot logs mula sa Sierra Madre Mountains, Isabela, at Cagayan.
Inakusahan din ang opisyal ng negligence of duties at hiningan ng pag-uulat sa opisina ng DENR Regional Office sa Calamba City. Si Dapla ay pinalitan ni Emiliano Leviste, ang OIC ng CENRO Los Baños, Laguna.
Pinatalsik din sa pwesto sina Jaime Belleza, chief of Forest Management Sector (FMC) CENRO-Pagbilao, at Mario Aran, head ng FMC-CENRO, Real, Quezon at nahaharap sa reklamong derelection duties.
Sinuspinde ng 30 araw ang buong forest rangers ng Mauban DENR Station na sina Angel Ragudo, Rosario Tadili, Adison Baldeo, Eduardo Balonzo, Dionisio Bautista, Manny Mercado, Noel Evangelista at Mario Martinez dahilan sa pagkabigo nilang imonitor at pigilin ang mga dumagsang illegal hot logs sa coastline ng barangay Cagsiay, Mauban,Quezon noong December 15, 16, 2010 at January 16, 16 2011.
Si Ragudo ay hinalinhan sa pwesto bilang hepe ng Mauban station ni Forester Ervin Lanid mula sa CENRO, Los Baños Laguna.
Dalawang linggo na ang nakalipas, ang tanggapan ng DENR Regional Office at PENRO Quezon sa pamumuno ni Emrich Borja ay nakakumpiska ng mahigit sa 400 piraso ng hot logs sa Mauban, Quezon at General Nakar, Quezon.
- Latest
- Trending