^

Probinsiya

1 pang killer ng brodkaster timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Isa pang suspek na kabilang sa mga pumaslang sa brodkaster ng RMN Palawan ang nasakote sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Sa ulat ni Quezon Provincial Police Office (PPO) Chief P/Sr. Supt. Erickson Velasquez, kinilala ang suspek na si Dennis Aranas, nagsilbing lookout sa pamamaslang kay Dr. Gerardo Ortega, brodkaster ng programang “Ramatak" sa RMN na nakabase sa Puerto Princesa City, Palawan.

Una nang nasakote ang gunman na si Marlon Dica­mata, itinuro ng mga testigo na siyang bumaril sa bik­ti­mang si Ortega noong Lunes sa isang Ukay-ukay store sa Puerto Princesa City.

Nabatid na nagdesisyon umanong sumuko si Aranas sa Quezon PPO sa Lucena City pero nagbago ng isip kaya’t inaresto na ito.

Sinabi pa ni Velasquez na hindi armado ang suspek at hindi nanlaban ng arestuhin ng kaniyang mga tauhan.

Inihayag naman ni Puerto Princesa City mayor Edward Hagedorn na mula sa dating P500,000.00 ay itinaas na sa P1.3M ang reward para sa sinumang makapagtuturo sa ikaaresto pa ng ibang mga suspek na sangkot sa pamamaslang kay Ortega.

Samantalang una na ring sinampahan ng kasong murder ang mga suspek na sangkot sa krimen kabilang si dating Palawan Provincial Administrator Atty. Romeo Seratubias na natukoy na may-ari ng baril na ginamit ng hired killer na si Dicamata sa pagpatay kay Ortega.

CHIEF P

DENNIS ARANAS

DR. GERARDO ORTEGA

EDWARD HAGEDORN

ERICKSON VELASQUEZ

LUCENA CITY

MARLON DICA

ORTEGA

PALAWAN

PALAWAN PROVINCIAL ADMINISTRATOR ATTY

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with