200 PNP elite forces isinabak vs Sayyaf
MANILA, Philippines - Dalawang daan (200) elite forces ng pulisya ang isinabak laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan. Ayon kay PNP Directorate for Integrated Police Operations – Western Mindanao Director P/Chief Supt. Felicisimo Khu, dumating na sa Basilan ang 2 company ng elite forces. Ang mga bandidong Abu Sayyaf ay siyang nasa likod ng kidnap for ransom, pamumugot ng ulo sa mga hostages, ambushcades at pambobomba. Ayon kay Khu, tutulong ang nasabing mga elemento ng PNP strike force sa paghabol sa Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni Basilan based Commander Furuji Indama at Nurhasan Jamiri. Nabatid na isang kumpanya ay mula sa Central Luzon Public Safety Battalion habang ang isa pa ay mula naman sa Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao kung saan ang mga ito ay itatalaga sa mga lungsod ng Lamitan, Isabela at bayan ng Maluso; pawang sa Basilan.
- Latest
- Trending