LUCENA CITY, Philippines — Patay agad ang isang seaman matapos na pagbabarilin ng security guardsa pinaglilingkuran nitong shipping company sa Brgy.Talao-talao ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Napuruhan ng isang tama ng bala ng cal. 38 sa sikmura ang biktimang si Francisco Labia, 30, may-asawa, Quarter Master ng M/V Star San Carlos & A at residente ng Misamis Occidental. Naaresto naman ng pinagsanib na elemento ng Dalahican PNP at Regional Maritime Police ang suspek na si Ramil Albiar, 29, may-asawa, stay-in security guard ng naturang shipping company at residente ng Negros Occidental.
Base sa imbestigasyon nina PO3 Alvin Evangelista, PO2’s Miljun Magadia at Randy Buenaventura, dakong alas-4:30 ng hapon ay nakitang mainitang nagtatalo ang dalawa sa compound ng Talao-talao port.
Bigla umanong binunot ng suspek buhat sa kanyang baywang ang service firearm at pinaputukan ang biktima saka tumalilis subalit naharang ng mga awtoridad. Inaalam pa ang motibo ng krimen.