Problemadong obrero nagbigti

RIZAL, Philippines — Winakasan ng isang 42-anyos na obrero ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa punungkahoy na nasa compound ng hardware sa Barangay Plaza Aldea sa bayan ng Tanay, Rizal, kamakalawa ng umaga. Sa pagsisiyasat ni PO2 Jeffrey Azueta, lumilitaw na natagpuang nakabitin ang katawan ni Ronnie Catina sa loob ng compound na kanyang pinapasukang New Tanay Hardware. Huling namataang buhay ang biktima na naging balisa sa trabaho kung saan naikuwento nito sa kanyang mga kaibigan na ibig na niyang takasan ang matinding problemang kinakaharap.

Show comments