^

Probinsiya

5 kinasuhan sa pagpatay sa brodkaster

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong kriminal ang lima-katao kabilang ang dating provincial administrator ng Palawan kaugnay sa pagpatay sa brodkaster na Gerry Ortega sa Puerto Princesa City ilang araw na ang nakalipas.

Kabilang sa mga kinasuhan ng murder ay ang  gunman na si Marlon Dicamata alyas Marvin Alcaraz; Dennis Aranas, Armando Noel Loria, Jun-jun Bomar at ang abogadong si Romeo Seratubias.

Nabatid na si Seratubias ay dating provincial administrator ng Palawan na natukoy na may-ari ng baril na ginamit ni Dicamata sa pamamaslang kay Ortega.

Una nang inamin ni Dicamata ng Taguig City, na binayaran sa halagang P.1 milyon para iligpit si Ortega.

Si Ortega ay isang hard-hitting broadcaster sa programang Ramatak ng Radio Mindanao Network dwAR Puerto Princesa City na walang puknat ang pagbatikos sa operasyon ng minahan at ang Malampaya gas project.

Base sa beripikasyon ng pulisya, ang baril na ginamit sa krimen ay ibinenta sa isang  tinukoy na Valicias noong Enero 15 bago binili ni Nonoy Regalado.

Magugunita na ang biktima ay pinagbabaril habang bumibili ng damit sa ukay-ukay store sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City kung saan nasakote naman ang gunman na si Dicamata matapos ang follow-up operation. 

ARMANDO NOEL LORIA

BARANGAY SAN PEDRO

DENNIS ARANAS

DICAMATA

GERRY ORTEGA

MARLON DICAMATA

MARVIN ALCARAZ

NONOY REGALADO

ORTEGA

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with