Shootout: Pulis, tulak dedo

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang alagad ng batas habang  napatay din ang notoryus na drug pusher matapos na mauwi sa shootout ang buy-bust operation sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO2  Joel Resuello at ang napatay na tulak na si Joel Malicdem.

Lumilitaw na magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng pulisya kung saan ginamit na poseur-buyer si Gerry Reyes.

Inimbitahan naman ni Malicdem si Reyes sa loob ng Starex van kaugnay sa transaksyon sa pagbili ng shabu subalit nakahalata ang una kaya binaril ang nakaposteng si Resuello.

Kahit sugatan si PO2 Resuello ay nagawang makaganti ng putok kung saan duguang bumulagta si Malicdem.

Narekober sa crime scene ang baril at dalawang sachet ng shabu mula kay Malicdem  habang isang cal. 45 pistol na lisensyado naman mula sa nasabing pulis.

Show comments