MANILA, Philippines - Tinambangan at napatay ang isang alagad ng batas sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Busbus sa bayan ng Jolo, Sulu kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si SPO1 Salip Basil Birin ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Luuk. Nabatid na pasakay ng motorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki.