13-anyos estudyante nagbigti

QUEZON, Philippines – Isang 13-anyos na high school student na sinasabing nasermunan ng kanyang ina ang nagbigti sa kisame ng kulungan ng baboy kamakalawa ng hapon sa Barangay Villa Nava sa bayan ng Gumaca, Quezon. Bandang ala-1:45 ng hapon nang magtagpuang nakabitin si Vincent Christian Aringo ng Sitio Villa Nenita sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO2 Eman Orivida, bago maganap ang insidente, sinabi ng lola na si Dolores Aringo na napagalitan ang biktima ng kanyang ina na naka-confine sa ospital. Lumilitaw na ayaw sundin ng biktima ang ipinag-utos ng ina na gumawa ng obligasyon sa kanilang tahanan.

Show comments