Mag-utol natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng mag-utol na bata makaraang matusta sa nasusunog nilang bahay sa Purok 10, Barangay Nasilla sa Davao City kamakalawa ng mada­ling-araw. Halos nagmistulang uling ang bangkay nina Alquin Autida, 12; at Sarneyem Autida, 9 habang sugatan naman ang isa pang utol ng dalawa na si Inday, 11. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, iniwan ng mga magulang ang mga bata habang natutulog. Nagulantang na lamang ang mga kapitbahay ng pamilya Autida nang mamataang nilalamon ng apoy ang buong kabahayan ng pamilya Autida. Pinaniniwalaang natumbang kandila ang pinagmulan ng sunog.

Show comments