^

Probinsiya

Kuta ng mag-utol na Dominguez ni-raid

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga  ope­ratiba ng pulisya ang apartment ng mag-utol na Raymond at Roger Dominguez na sinasabing mastermind sa brutal na pagdukot at pagpatay sa dalawang car dealer sa isinagawang ope­rasyon sa San Fernando City, Pampanga noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa director ng Police Regional Office 3 na si P/Chief Supt. Alan Purisima, bandang alas-6 ng gabi nang lusubin ang apartment sa Unit Greenville Subdivision sa Barangay San Jose.

Isinagawa ang raid matapos makakuha ng search warrant na inisyu ni Judge Ismael Casabar ng Guimba, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 31.

Base sa naunang ulat, ang magkapatid na Dominguez ay ikinanta ng mga suspek na sina  Alfred “Bading” Mendiola at  Batibot Parulan kaugnay sa pagdukot at brutal na pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista noong  Enero 13 sa Cubao, Quezon City.

Ang sunog na bangkay nito na may tama ng bala sa ulo ay narekober sa Cabanatuan City, Nueva Ecija  noong Enero 14.

Nasamsam sa operasyon ang 3 baril tulad ng cal. 9mm pistol, cal. 45 pistol, para hi-cap. 40 pistol, magazine ng 9mm, 10-bala ng cal 9mm, 2-magazines ng cal .40 pistol, 50-bala ng cal. 40 pistol, magazine ng cal. 45, 2-handheld radios, 22 sets ng plaka, metal plates na may chassis numbers at iba pang personal na kagamitan.

Ipinaliwanag naman ng opisyal na hindi plan­ted ang mga ebidensyang nasamsam sa apartment ng magkapatid na Dominguez.

Samantala, patuloy naman operasyon para madakip ang mag-utol at mga kasamahan nito sa carjacking syndicate.

vuukle comment

ALAN PURISI

BARANGAY SAN JOSE

BATIBOT PARULAN

CABANATUAN CITY

CHIEF SUPT

DOMINGUEZ

ENERO

JUDGE ISMAEL CASABAR

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with