Grenade explosion: 5 sugatan
MANILA, Philippines – Lima ang nasugatan kabilang ang apat na police trainee makaraang aksidenteng matanggalan ng pin ang isang granada habang nagsasagawa ng demonstrasyon sa pag-detonate ng landmine at iba pang uri ng improvised explosive sa kanilang himpilan sa Cagayan de Oro City kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Antonio Carbonilla Jr., Training Director ang mga nasugatan na sina PO3 Raul Valmoria, assistant instructor at mga police trainees na sina Richard Narciso, Loly Ansin, Loretes May Roble at Jaymar Palanas; pawang ginagamot na sa Northern Mindanao Medical Center.
Sinabi ni Carbonilla na naganap ang insidente sa himpilan ng Police Regional Office (PRO) 10 sa nasabing lungsod bandang alas -11:40 ng umaga.
Kasalukuyang nagsasagawa ng lecture at demonstrasyon sa mga police trainee ng Police Safety Battalion Regional Company (PSBRC ) Class Foxtrot ang Explosives and Ordnance Division (EOD) team sa pamumuno ni SPO3 Cris Cadelina sa pag-detonate ng mga eksplosibo ng mangyari ang insidente ng aksidenteng mabunot ang pin ng granada.
- Latest
- Trending