^

Probinsiya

2 killer ni Venson tiklo, 4 pa tugis

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Hawak na ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang carjackers na pinaniniwalaang nasa likod ng brutal na pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista habang apat pa ang tinutugis sa Central Luzon.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Alan Purisima ang mga nasakoteng suspek na sina Alfred Mendiola alyas Bading at Batibot Parulan na kapwa umamin sa karumal­dumal na krimen.

“We can now tell that we have 2 suspects under arrest and 4 others identified at large suspects in the Evangelista murder case”, pahayag ni Purisima na tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye dahilan patuloy pa ang dragnet ope­rations.

Patuloy namang tinutugis ang iba pa na tinukoy nina Purisima sa mga alyas na Joel, mekaniko; Rolly ang itinuturong gunman, Roger at ang mag-utol na Roger at Raymond Dominguez, mastermind ng grupo.

Si Evangelista ay nabiktima ng carjacking ng mga armadong suspek habang nagte-test drive sa ibenebenta nitong kulay berde na halos itim na 2009 model Toyota Land Cruiser (NAI-316) noong Enero 13 sa Cubao, Quezon City.

Ang sunog na bangkay ni Evangelista na may tama ng cal 9 MM sa ulo ay narekober naman sa Brgy. Buliran, Cabanatuan City noong Enero 14 .

Samantala, sinabi naman ng ama ni Evangelista na si Mr. Arsenio “Boy” Evangelista na may death threat umano siya na patuloy na isinasai­lalim sa beripikasyon ng mga awtoridad.

vuukle comment

ALFRED MENDIOLA

BATIBOT PARULAN

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON

DIRECTOR ALAN PURISIMA

ENERO

EVANGELISTA

MR. ARSENIO

POLICE REGIONAL OFFICE

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with