Judge ginilitan
BAGUIO CITY, Philippines – Isa na naman municipal trial circuit judge ang kumpirmadong napaslang makaraang pagsasaksakin saka ginilitan sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Simeon sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte noong Martes.
Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Judge Fredelito Pingao, 51, ng Vintar at Sarrat Municipal Trial Circuit Court Branch 2, sa loob ng kanyang tahanan.
Ayon kay Ilocos region police director Chief Supt. Franklin Bucayu, ang biktima ay nagtamo ng tatlong sugat mula sa itak at ilang sugat mula sa patalim kung saan halos maputol na ang leeg nito matapos gilitan.
Nabatid na pinakahuling kasama ng biktima sa inuman na sina Sherwin at Jessie Gajite noong Martes ng gabi bago nadiskubre ang krimen kinabukasan ng umaga ang inimbitahan ng Special Investigating Task Group na binuo ni Ilocos Norte police director Senior Supt. Marlo Chan.
Bumuo na rin ng grupo ng mga hukom sa Ilocos Norte ng Task Force katuwang ang pulisya para masubaybayan ang isinasagawang pagsisiyasat.
Kabilang sa miyembro ng Task Force ay sina Judge Isidoro Pobre ng Batac Regional Trial Court Judge Branch 18; Prosecutors Bernardo Agdigos, Valentin Pascua at si Myra Shiela Nalupta-Barba. Artemio Dumlao at Joy Cantos
- Latest
- Trending