13-anyos nene sex slave ng pulis-Gapo

OLONGAPO CITY, Philippines – Pormal nang nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DoJ) ang isang 18-anyos na dalaga laban sa isang pulis-Gapo matapos ang limang taong sex slave sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Barreto sa Olongapo City.

Sa sinumpaang salaysay na isinumite kay Senior State Prosecutor Aileen Marie Gutierrez ng Department of Justice ng biktimang itinago sa pangalang Angel ng Barangay Barretto, Olongapo City, kinilala nito ang suspek na SP01 Rogelio Gregorio ng Criminal Intelligence Unit na nakabase sa Camp Manuel Gabal, Olongapo City.

Lumilitaw na si SPO1 Gregorio ay naging ka-live-in ng ina ng biktima na noong ay labintatlong taong gulang pa lamang kung saan nagsimula ang madilim na kalbaryo noong 2005.

Hindi naman makapagsumbong ang biktima sa kanyang ina at tiyuhin dahil sa pagbabanta ng suspek na papatayin ang kanyang ina at kapatid.

Nadiskubre lamang ang maitim na balak ng suspek noong Nobyembre 26, 2010 nang maibulalas ng dalaga sa kanyang ina ang pagiging sex slave matapos ang bigong panggagahasa nang araw na iyon.

Sa panig naman ni Olongapo City PNP director P/Senior Supt Oscar Albayalde, nananatiling nasa serbisyo pa rin si SPO1 Gregorio at hindi nila ito maaaring dakpin hanggang walang warrant of arrest na inisyu ang mababang korte.

Nanawagan naman ang pamilya ng biktima sa pamunuan ng kapulisan sa pa­ngunguna ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo na mabigyan kaukulang parusa ang suspek kung saan patuloy pa rin sa serbisyo.

Kaugnay nito, inamin din biktima na nahawaan siya ng sexually transmitted diseases (STD) matapos gawin ng suspek ang maitim na balak habang nag-iisa sa kanilang bahay.

Hindi naman mahagilap si SPO1 Gregorio para makapagbigay ng kanyang panig. Randy Datu at Alex Galang

Show comments