Nakuryente sa imburnal

BULACAN, Philippines – Isang 43-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan ang iniulat na nasawi makaraang makur­yente habang naglilinis ng imburnal sa bahagi ng Little Grace Park sa Barangay Malhacan sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Edmund Libao ng Barangay Gasak sa nabanggit na lungsod. Sa police report, lumilitaw na natapakan ng biktima ang talop na linya ng kuryente na nakababad sa maruming tubig ng imburnal. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments