^

Probinsiya

Pekeng ahente ng mga biktima ng Marcos regime, tiklo

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON , Philippines   – Kalaboso ang binagsakan ng isang 52-anyos na pekeng ahente ng kumpanyang nanga­ngalap ng human rights victims ng Marcos administration matapos maaresto ng pulisya sa aktong kumukulekta ng pera sa apat-katao sa Barangay Poblacion ng bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Ranzer Evasco, ang suspek na si Olivia Maano ng Lucena City, Quezon.

Nagpakilalang recruitment agent ng Voice for Global Solutions on Poverty Association Inc. (VGSPAI) ang suspek at nangangalap ng mga biktima ng Marcos regime.

Pinapangakuan ng suspek ang kanyang mare-recruit na makakatanggap ng P1 milyon at iba pang benepisyo mula sa pamahalaan ng Estados Unidos kapalit ng kinukulektang P1,200 registration fee.

Bagamat hindi naman mga lehitimong human rights victims si Teresito Mayuga ay nahikayat siya ng suspek.

Nahikayat din sina Nelson Mendoza, 35, ng Taysan; Godofredo Ramos, 49, ng Rosario; at si Norberto Lises, 54, ng San Juan, Batangas.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan siya ng pulisya habang kinukulekta ang pera mula sa mga biktima.

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSP

ESTADOS UNIDOS

GLOBAL SOLUTIONS

GODOFREDO RAMOS

LUCENA CITY

NELSON MENDOZA

NORBERTO LISES

OLIVIA MAANO

POVERTY ASSOCIATION INC

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with