^

Probinsiya

8 sekyu ni Mayor Ampatuan dinisarmahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Dinisarmahan ng mga ope­ratiba ng pulisya ang walong security guard ni Mayor Reshal Ampatuan matapos ang komosyon sa pagitan ng grupo ng mga demonstrator na nagra-rally sa bayan ng Datu Unsay Ampatuan, Maguindanao kamakalawa. Sa ulat ng Police Regional Office –Autonomous Region in Muslim Maguinda­nao, bandang alas-2:50 ng hapon nang sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng walong sekyu ni Mayor Ampatuan at ng grupo ng raliyista sa bisinidad ng munisipyo ng Datu Unsay.Nabatid na ang mga sekyu ay mula sa Savior Weapons and Tactics Security Agency na pawang nagsisilbing security escorts ni Mayor Ampatuan.Nag-ugat ang salpukan ng magkabilang panig matapos na tanggalin ng mga sekyu na pawang armado ng M16 Arma­lite rifle at MP5 submachine gun  ang mga streamers na idinikit ng mga raliyista sa bakod ng naturang munisipyo. Mabilis namang nagresponde ang mga elemento ng Technical Support Platoon at iba pang units ng pulisya na inawat ang magkabilang panig. Inimbitahan naman ang mga guwardiya sa himpilan ng pulisya para imbestigahan sa pakikipagbanggaan sa mga demonstrador. Nang maberipikang paso na ang lisensya ng baril ng nasabing mga guwardiya ay agad na kinumpiska ang anim na MP5 at dalawang M16 Armalite rifles.

AUTONOMOUS REGION

DATU UNSAY

DATU UNSAY AMPATUAN

MAYOR AMPATUAN

MAYOR RESHAL AMPATUAN

MUSLIM MAGUINDA

POLICE REGIONAL OFFICE

SAVIOR WEAPONS AND TACTICS SECURITY AGENCY

TECHNICAL SUPPORT PLATOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with