^

Probinsiya

Dalaga dinedo ng nobyo sa hotel

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines  — Sabog ang utak at namatay ang isang 19-anyos na dalaga matapos barilin ng kanyang nobyo sa loob ng hotel sa panulukan ng Bonifacio at Zamora Street sa Barangay 6, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon.

Sa kahilingan ng pa­milya, pansamantalang itinago sa pangalang Marietta ang biktima ng North Employees Subdivision sa Barangay Gulang-Gulang.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas na  Rommel/Brandon.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Evangelista, lumilitaw na nag-check-in ang dalawa sa Sir Josh Hotel kung saan ilang minuto ang nakalipas ay uma­lingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa Room 33.

Nang usisain ang suspek ng isa sa staff ng hotel ay sinabi nitong pumutok lamang ang fuse sa loob ng kuwarto at maya-maya ay mabilis itong umalis lulan ng motorsiklo.

Sa pag-aakalang nag check-out na ang mag­nobyo ay tinungo ng attendant na si Kenneth Etino ang kuwarto ng dalawa para linisin at nang buksan nito ang pintuan ay bumulaga ang duguang katawan ng dalaga na may tama ng bala sa ulo.

Patuloy naman ang dragnet operation laban sa suspek na pansamantalang hindi tinukoy ang pinagkukutaan para hindi makalayo.

vuukle comment

ALVIN EVANGELISTA

BARANGAY GULANG-GULANG

BONIFACIO

KENNETH ETINO

LUCENA CITY

MARIETTA

NANG

NORTH EMPLOYEES SUBDIVISION

SIR JOSH HOTEL

ZAMORA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with