^

Probinsiya

Hepe ng Antipolo City police sibak sa jueteng

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinibak na kahapon sa puwesto matapos masampulan sa one strike policy kontra jueteng ang hepe ng Antipolo City Police sanhi ng kabiguang masugpo ang talamak na illegal number game sa kaniyang nasasakupan. Kinilala ni CALABARZON Police Director Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr.,  ang sinibak sa puwesto na si Antipolo City Police Chief  P/Supt. Manuel Pion. Ayon kay Pagdilao ang pagsibak kay Pion ay matapos ang pagkakaaresto ng limang kataong sangkot sa operasyon ng jueteng sa Antipolo City kamakalawa. Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo ang one strike policy kontra jueteng. Sa kasalukuyan, ayon pa kay Pagdilao ay nagsasagawa pa sila ng konsultasyon sa alkalde ng Antipolo City para sa opisyal na hahalili sa puwestong binakante ng sinibak na si Pion. Binigyang diin ni Pagdilao na ang pagsibak kay Pion ay dapat magsilbing babala na seryoso ang PNP sa pagsugpo sa jueteng.

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

ANTIPOLO CITY POLICE CHIEF

AYON

BINIGYANG

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

MANUEL PION

PAGDILAO

POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

SAMUEL PAGDILAO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with