MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 77-anyos na Hapones sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Barangay Soong-Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu, kamakalawa ng umaga. Ang bangkay ni Masahira Yukenawa ay nadiskubreng nakalugmok sa sahig katabi ang 5 plastic sachet ng shabu. Wala namang makitang palatandaan ng foul play sa pagkamatay ng matandang Hapones. Ang insidente ay ini-report ni Rosalinda Inihao, may-ari ng apartment matapos niya itong katukin upang singilin sa P12,000 renta sa loob ng 3-buwan na nabigong bayaran ng biktima.