Nambuska sa inuman tinodas

QUEZON, Philippines  — Basag ang bungo at namatay ang isang 47-anyos na obrero matapos na hatawin ng kahoy sa ulo ng kapitbahay na tinukso nitong duling kamakalawa ng gabi sa Sitio Poras, Barangay Abuyon sa bayan ng San Narciso, Quezon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Emerson Gajarno habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Nixon Rivano, 30. Ayon kay PO1 Arnel de Vera, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang maganap ang tuksuhan. Ipinagkibit balikat lamang ng suspek ang pa­ngungutya ng biktima kung saan nagbanta ang una na may kalalagyan ang huli pagkatapos ng kanilang inuman. Habang pauwi ang biktima ay patraydor na hinataw ng dos-por-dos ng suspek sa ulo saka mabilis na tumakas.

Show comments