CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Tatlong manggagawa ang iniulat na napatay makaraang pagbabarilin ng mga ‘di kilalang kalalakihan kamakalawa sa Barangay Palobandera sa bayan ng Cawayan, Masbate. Kabilang sa mga napatay ay sina Ronnel Valderosa, 25; Joel Semeniano, 23; at si Jury Vargas, 22, pawang mga nakatira sa Barangay Kinamaligan, Masbate City. Base sa police report, lumilitaw na lulan ng traysikel na pag-aari ni Modesto Espinas ang tatlo nang ratratin bandang alas-12 ng hatinggabi.